^

Probinsiya

Houseboy na pumatay sa mag-asawang amo, tiklo

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines  —Maka­lipas ang halos 24 oras na hot pursuit operation, nada­kip na ng mga elemento ng Lucena Police ang pangu­nahing sus­pek na pumas­lang sa isang wheelchair ridden na Tsinoy at kanyang misis.

Si Joel Hanabahab, 23, ay naaresto ng Task Force Lo na pinamumunuan ni P/S INSP. Fernando Reyes III sa sitio Tala, San Andres,Quezon. Nare­kober sa kanyang pag-iingat ang cash na 21,000 na hinihi­nalang bahagi ng ma­laking halaga na kinu­limbat nito sa kanyang mga among sina Roberto Ong y Lo at Nenita Bolanos.

Maguguni­tang noong Hu­webes ng gabi ay natag­puan ni Nestor Ong ang kan­yang kapatid na si Roberto at misis nito na kapwa walang buhay sa kanilang bahay.

Malaki ang paniniwala nito na ang suspek na bagong kakukuha lamang nila bilang boy-helper ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kanyang kapatid at hipag at pagkatapos ay pinagnaka­wan pa. Sa interogasyon ay ina­min ng suspek na siya ang gu­mawa ng pamamas­lang sa kanyang mga amo at sinabing may ka­sama pa siyang isa, gayunman ay hindi nito tinukoy ang pangalan.

FERNANDO REYES

HU

LUCENA POLICE

NENITA BOLANOS

NESTOR ONG

ROBERTO ONG

SAN ANDRES

SHY

SI JOEL HANABAHAB

TASK FORCE LO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with