Killer ng baldado tiklo

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Arestado ang isa sa tatlong kalalakihan na responsable sa pagpatay sa isang lalaking may kapansanan sa pag-iisip na naganap sa isang lugar sa Barangay Ba­gumbayan may siyam na buwan na ang naka­kalipas.

Kinilala ni P/Supt. Ro­nald De Jesus ang na­arestong suspek na si Ray­mond Si­bunga, 18-anyos ng Ba­rangay Bagumbayan sa bayang ito na nadakip da­kong alas-9 ng gabi habang nakikipag-inuman sa kani­yang mga barkada.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.Judge Rolando Bulan ng RTC Br.77 sa Malolos City at wa­­­lang inerekomendang pi­yansa sa pansamantala nitong kalayaan.

Si Sibu­nga at dalawa pa nitong kabar­kada ang iti­nuturong dahi­lan sa pag­kamatay ng bik­ti­mang si Rowell Alcaraz na na­ganap nuong Dis­yem­bre 30, 2009 ha­bang nagkaka­siyahan ang mga suspek sa isang bahay sa natu­rang ba­rangay.

Show comments