MANILA, Philippines - Isang libong ( 1,000 ) elite unit ng Special Action Force (SAF) ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Masbate kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre 25.
Ang hakbang, ayon sa mga opisyal ng PNP ay bilang pagtalima sa direktiba ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.
Sinabi ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo na tutukan nila ang mga lugar na itinuturing na areas of immediate concern o hotspot sa elections.
Nauna nang ikinasa ng PNP at AFP ang seguidad kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng SK/Brgy. Elections sa buong bansa.
Sa tala ng PNP ang lalawigan ng Masbate ay kabilang sa hotspot sa tuwing magdaraos ng eleksyon.
Nilinaw ni Robredo na pangunahing misyon ng elite forces ay durugin ang private armies na namamataang gumagala sa mga lugar na idineklarang bilang mga election hotspots.
Inihayag ni Police Regional Office (PRO) 5 Director Chief Supt. Cecilio Calleja na ang augmentation force ay magmumula sa mga kasapi ng Special Action Force mula sa Camp Crame.
Bukod dito nabatid na nakikipag-ugnayan na rin si Calleja sa 9th Infantry Battalion of the Philippine Army para sa posibleng karagdagang puwersa na kakailanganin s anasabing lalawigan.