^

Probinsiya

1,000 SAF idedeploy sa Masbate

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang libong ( 1,000 ) elite unit ng Special Action Force (SAF) ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Masbate kaugnay ng na­lalapit na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa da­rating na Oktubre 25.

Ang hakbang, ayon sa mga opisyal ng PNP ay bi­lang pagtalima sa direktiba ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sinabi ni PNP Chief Director General Raul Bacal­zo na tutukan nila ang mga lugar na itinuturing na areas of immediate con­cern o hotspot sa elections.

Nauna nang ikinasa ng PNP at AFP ang seguidad kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng SK/Brgy. Elections sa buong bansa.

Sa tala ng PNP ang la­lawigan ng Masbate ay kabilang sa hotspot sa tuwing magdaraos ng eleksyon.

Nilinaw ni Robredo na pangunahing misyon ng elite forces ay durugin ang private armies na nama­mataang gumagala sa mga lugar na idineklarang bi­lang mga election hot­spots. 

Inihayag ni   Police Re­gional Office (PRO) 5 Director Chief Supt. Cecilio Calleja na ang augmentation force ay magmumula sa mga kasapi ng Special Action Force mula sa Camp Crame. 

Bukod dito nabatid na nakikipag-ug­nayan na rin si Calleja sa 9th Infantry Battalion of the Philippine Army para sa posibleng karagdagang puwersa na kakailanganin s anasabing lalawigan.

CAMP CRAME

CECILIO CALLEJA

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACAL

DIRECTOR CHIEF SUPT

INFANTRY BATTALION OF THE PHILIPPINE ARMY

MASBATE

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with