MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang campaign period, isang dating Barangay Chairman na kakandidato muli sa posisyon sa barangay elections sa Oktubre 25 ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong lalaki sa bayan ng Bugallon, Pangasinan kamakalawa.
Isinugod sa Trauma Hospital sa Dagupan City ang biktimang si Mario Uson, 55, dating Brgy. chairman ng Bongalon.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa kahabaan ng national highway sa hangganan ng Brgys, Magsaysay at Bongalon dakong alas-6:30 ng umaga.
Kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo ng pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na armado ng cal. 45 pistol.
Pinaniniwalaan na mang may kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.