^

Probinsiya

2 kawani ng SBMA pinarangalan

- Ni Alex Galang -

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Malaking karangalan para sa 3,000 tauhan ng Subic Bay Metropolitan Authority na makatanggap ang dalawang kawani nito ng Pag-asa Awards mula sa Civil Service Commission dahil sa natatanging kon­tribusyon sa larangan ng serbisyo publiko. Sina SBMA Fire and Rescue Team leader Capt. Ranny Magno at ang printing machine operator na si Randy Canlas ay pinarangalan sa ginanap na CSC recognition rites bilang mga regional finalists sa King’s Royal Hotel and Leisure Park sa Bacolor, Pampanga. Si Magno ay tumutulong sa mga emergency situations sa Subic at iba pang bahagi ng Luzon kung saan nailigtas ang ilang minero sa minahan sa bayan ng Itogon, Benguet noong Setyembre 2008. Samantala, si Canlas, nakagawa ng programang information technology kung saan nakatipid ang SBMA ng P6.4-milyon sa loob ng 6-taon. Kapag ganap na na­­im­ple­menta ang na­banggit na programa sa 52 de­parta­mento ng SBMA, makakati­pid ang ahensya ng P25 milyon kada taon.

“Ipinapakita lamang ng mga kawani ng SBMA ang pagpapahalaga sa core values na Malasakit, Excellence and Passion at bi­lang tunay na ehemplo sa mata­pat na public servant,” pa­ha­yag ni SBMA Administrator Armand Arreza.

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

CIVIL SERVICE COMMISSION

EXCELLENCE AND PASSION

FIRE AND RESCUE TEAM

RANDY CANLAS

RANNY MAGNO

ROYAL HOTEL AND LEISURE PARK

SHY

SI MAGNO

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with