^

Probinsiya

Tulay naputol: 2 mag-aaral dedo, 3 nawawala

-

ILOILO CITY, Philippines ­— Kama­tayan ang sumalubong sa dalawang batang mag-aaral habang tatlong iba pa ang nawawala mata­pos malu­nod sa ilog dahil sa pagka­wa­sak ng tulay na kawayan sa Barangay San­tiago sa bayan ng Laua-an, Antique kama­ka­lawa ng hapon.

Base sa ulat ng Radio Mindanao Network-Iloilo, kabilang sa mga nasawi ay sina Lilybeth Samillano ng Brgy. Pandacan, at Jubie Espino ng Brgy. Maybu­nga, Laua-an, Antique.

Patuloy namang pinag­hahanap ng search and rescue team ang tatlong iba pang mag-aaral.

Samantala, sampu na­man estudyante ang na­ilig­tas ng mga residente.

Lumilitaw na naganap ang insidente, pasado alas-4:35 ng hapon mata­pos pauwiin ng maaga ang mga mag-aaral sa Santia­go Elementary School dahil sa masa­mang pa­nahon.

Gayon pa man, tumata­wid ang mga batang mag-aaral sa footbridge na may 30-metrong haba at gawa sa kawayan nang biglang bumigay at naputol dahil sa malakas na agos.

Malakas na ulan kaya rumagasa ang agos ng tubig-baha kung saan nawasak ang tulay, ayon sa ulat ng Municipal Disaster Coordinating Council.

Sa salaysay ng mga nakasaksing estudyan­te, tinangay ng malakas na agos ng tubig-baha ang limang kapwa nila mag-aaral. Ayon pa sa ulat, ang tulay na kawayan na sina­sabing tanging daan ng mga mag-aaral at guro pa­tungong nabanggit na eskuwelahan at pauwi ay ipinalit sa kongretong tu­lay na nawasa. - Ro­nilo Ladrido Pamo­nag at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY SAN

BRGY

ELEMENTARY SCHOOL

JOY CANTOS

JUBIE ESPINO

LADRIDO PAMO

LAUA

LILYBETH SAMILLANO

MUNICIPAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with