CAVITE, Philippines — Pinasok ng mga armadong kawatan ang isang printing office kung saan pinagpapalo ang magka-live partner na nagresulta sa pagkamatay ng babae sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Si Marivic Vinson ay natagpuang may malaking sugat sa ulo habang si Bernard Bautista ay nasa kritikal na kalagayan kung saan ginagamot sa Our Lady of Pilar Medical Center.
Ayon kay PO1 Dennis Magsaysay, natagpuan ang dalawa bandang alas-9:30 ng umaga sa loob ng Berma Printing Press sa bahagi ng Castañeda Street ng nasabing barangay kung saan pagnanakaw ang isa sa motibo.