QUEZON, Philippines — Namatay ang isang 27-anyos na binata matapos makuryente habang nangingisda sa sapa sa Barangay Bocohan sa Lucena City, Quezon, kamakalawa ng tanghali.
Naisugod naman ng dalawang barangay kagawad sa sina Francisco Flores at Salvador Duron sa Lucena United Doctors Hospital si Dennis Abrenica ngunit idineklarang patay.
Ayon kay SPO3 German Merle, nangingisda sa sapa sa pamamagitan ng kuryente ang biktima nang mapadikit ang talop na linya ng kuryente sa binti nito.
Dito na nagkikisay ang biktima na nakatapak pa sa tubig.