MANILA, Philippines - Umaabot sa 4,000 pamilya ang naapektuhan ng flashflood sa Sultan Kudarat sa loob ng tatlong araw, ayon sa ulat kahapon. Sa report ng Central Mindanao Regional Disaster Coordinating Council, nasa siyam na barangay ang lumubog sa tubig-baha sa bayan ng Lambayong at isa pa sa Tacurong City. Nabatid na umapaw ang Allah River matapos ang malakas na pag-ulan noong Lunes.
Sa kasalukuyan ay na sa 4,020 pamilya ang naapektuhan sa bayan ng Lambayong at 46 naman sa Tacurong City. Patuloy naman ang pamamahagi ng food supplies at relief goods sa mga residenteng apektado.