2 utas sa motorbike crash

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkaibigang lalaki na sinasabing kapwa lango sa alak makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalu­bong ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Bulac sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kapwa walang helmet nang tumilapon mula sa motorsiklo sina Joven Cruz, 19; at Christopher Bernardo, 21, ng Sitio Luwa­san sa nabanggit na barangay habang kritikal naman ang nakasalpukan ng dalawa na si Mark Galvez, 32, na naisugod sa Rogasciano Mercado Hospital. Ayon kay PO3 Rodolfo Robielos, bumili ng alak sina Cruz at Bernardo lulan ng motorsiklo at nang pabalik na sa Brgy. Catmon at nakasalpukan ang motorsiklo ni Galvez sa kurbadang kalsada.

Show comments