14 tiklo sa drug bust

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Malolos City, Philippines  — Aabot sa 14 katao na sina­sabing nagpapakalat ng bawal na droga ang na­aresto ng pulisya sa isina­gawang drug bust operation sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat.

Kinilala ni P/Insp. Edwin Bermejo ang mga suspek na kinasuhan habang na­kakulong ay sina Arse­ nio Ra­mos, Genesis Dela Cruz, Rizza Jacinto, Rey­nante Villena, Darius Aga­pito, Jersey Werto, Greece Vereal, Emer De Rega, Cesar Cruz, Christoper Ramos, Marlito Matic, Alex Caparas, Mario Joson, at si Antonio Cruz. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shau na nagka­kalaga ng P.1 milyon at iba’t ibang drug paraphernalia.

Show comments