^

Probinsiya

Ama tinodas ng anak

-

BULACAN, Philippines  — Napaslang ang isang 65-anyos na ama matapos pagsasaksakin ng kanyang anak na lango sa alak sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Jose, Paombong, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Vic­torino Inocencio, habang ginagamot na­man sa Bulacan Provincial Hospital ang nasugatang si Annalyn Plago, 34, kapwa nakatira sa Sitio Wawa. Por­mal naman kakasuhan habang nakapiit si Macario Inocencio, 42, kargador sa palengke. Sa ulat ni P/Chief Insp. Marlon Santos ng CIDG-Bulacan, lango sa alak nang umuwi ng kanilang tahanan ang suspek at kinompronta ang kanyang live-in partner na si Plago kaugnay sa kumakalat na balitang may relasyon ito sa kanyang ama. Itinanggi naman ni Plago ang akusasyon ng suspek hanggang sa mauwi sa matinding pagtatalo kung saan tumakbo naman ang babae papasok ng kuwarto ni Victorino para humingi ng saklolo. Dito na sinaksak ng suspek ang kanyang ama na natutulog habang nasaksak din si Plago.

vuukle comment

ANNALYN PLAGO

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CHIEF INSP

MACARIO INOCENCIO

MARLON SANTOS

PLAGO

SAN JOSE

SITIO WAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with