BATANGAS, Philippines — Tinatayang aabot sa P.740 milyong cash ang natangay sa area cashier ng Cebuana Lhuiller Pawnshop makaraang itong holdapin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Tanauan City, Batangas kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Manuel Manalo, hepe ng Tanauan City PNP ang biktima na si Joel Sabayton, 28, ng Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa police report, katatapos lang mag-withdraw ni Sabayton ng P740,000 sa BPI Tanauan Branch nang masundan ito ng grupo ng kalalakihan habang sakay ng pampasaherong jeepney patungong bayan ng Sto. Tomas bandang alas-4:30 ng hapon. Pagsapit sa panulukan ng Castillo at N. Gonzales Street doon nagdeklara ng hold-up ang 2 armadong lalaki at inagaw ang backpack ni Sabayton kung saan nakalagay ang pera. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naganap na insidente.