3 niratrat dahil sa gagamba, dedo

CAVITE, Philippines — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi sa­mantalang isa ang suga­tan matapos pagbabarilin ng mga sekyu habang nang­huhuli ng gagamba sa ba­hagi ng Barangay Magu­yam sa bayan ng Silang, Cavite kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay SPO2 Danilo Bago, kabilang sa mga napaslang ay sina Francisco Buergo, 36, Crispin Hubilla, 32; at Christian Salvador, 24, pawang mga nakatira sa Barangay San Gabriel, Area K, General Mariano Alvarez, Cavite habang ginagamot na­ man sa Philippine General Hos­pital si Jose Lo­reven Padaong, 32.

Ayon sa police report, nangunguha ang mga bik­tima ng gagamba sa ba­kan­teng lote na pag-aari ng Tricom Development Corporation nang pagba­ba­rilin ng mga security guard bandang alas-10 ng gabi.

Tinutugis naman ng pulisya ang mga security guard ng Dasmariñas Security Services Incorporated na sina Edwin Arcero, Padis MC, Paglinawan AZ, Oscar Albasan, kapwa na­katira sa Brgy. Sta. Ines, Tanay, Rizal; Nepthalie Mi­randa, Pastor Medina, Ge­ro­nimo Vertudez, Amistoso Benedicto, Renato Cua­terno, Victor Timtiman at si Manny Tabago.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng ma­lalakas na kalibre ng baril.

Show comments