3 niratrat dahil sa gagamba, dedo
CAVITE, Philippines — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi samantalang isa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga sekyu habang nanghuhuli ng gagamba sa bahagi ng Barangay Maguyam sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SPO2 Danilo Bago, kabilang sa mga napaslang ay sina Francisco Buergo, 36, Crispin Hubilla, 32; at Christian Salvador, 24, pawang mga nakatira sa Barangay San Gabriel, Area K, General Mariano Alvarez, Cavite habang ginagamot na man sa Philippine General Hospital si Jose Loreven Padaong, 32.
Ayon sa police report, nangunguha ang mga biktima ng gagamba sa bakanteng lote na pag-aari ng Tricom Development Corporation nang pagbabarilin ng mga security guard bandang alas-10 ng gabi.
Tinutugis naman ng pulisya ang mga security guard ng Dasmariñas Security Services Incorporated na sina Edwin Arcero, Padis MC, Paglinawan AZ, Oscar Albasan, kapwa nakatira sa Brgy. Sta. Ines, Tanay, Rizal; Nepthalie Miranda, Pastor Medina, Geronimo Vertudez, Amistoso Benedicto, Renato Cuaterno, Victor Timtiman at si Manny Tabago.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng malalakas na kalibre ng baril.
- Latest
- Trending