^

Probinsiya

Killer ng mag-ama nadakip

-

BULACAN, Philippines – Nagwakas ang mahabang pagtatago sa batas ng isang lalaki na si­na­sabing pangunahing suspek sa pagpaslang sa mag-amang negosyante noong Agosto 2008 makaraang maaresto ng pulisya sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu nina Judge Virgilita Castillo ng Malolos City Regional Trial Court Branch 12 at Judge Ramilo Basa ng Municipal Trial Court ng Norzagaray, dinakip ng mga tauhan ni P/Supt/ Marcos Rivero kasama ang mga tauhan ng Provincial Public Safety Management Company ang suspek na sina Rolando “Pancho” Bantog, 45, ng Brgy. Poblacion.

Base sa record, si Bantog ang sinasabing responsable sa pamamaslang sa mag-amang sina Ricardo Catahan Jr., 47; at Henry Catahan 24, noong Agsoto 1, 2008 sa bahagi ng Barangay Caypombo-Mag-asawang Sapa Road kung saan malubhang nasugatan din si Antonio Lapig 55, samantalang nakaligtas naman si Eduardo de Los Reyes na pawang nakatira sa Brgy. Balasing, Sta. Maria. Boy Cruz at Dino Balabo

vuukle comment

ANTONIO LAPIG

BANTOG

BARANGAY CAYPOMBO-MAG

BARANGAY POBLACION

BOY CRUZ

BRGY

DINO BALABO

HENRY CATAHAN

JUDGE RAMILO BASA

JUDGE VIRGILITA CASTILLO

LOS REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with