Kidnaper ng trader patay sa encounter

MANILA, Philippines - Isa sa mga kidnaper ng negosyante ang iniulat na napaslang matapos maki­pag­barilan sa mga awtori­dad sa bahagi ng Barangay Lumbac sa ba­yan ng Pua­las sa Lanao del Sur ka­makalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Khalid Sari­pada Pansar na sinasabing isa sa du­mukot sa negos­yan­teng si Abdulcarim Ma­garang noong Agosto 31 sa Am­puan Street, Barangay Lilod Madaya sa Marawi City. Una nang humingi ng tulong ang magsasakang si Ustadj Andalawan Hadji Salic sa mga awtoridad makaraan itong paputukan ng grupo ni Pansar.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis at na­abutan sina Pansar na nag­resulta sa ilang minu­tong bakbakan.

Nauna nang humingi ng P2 milyon ransom ang mga kidnaper kapalit ng kala­yaan ni Magarang.

Show comments