Mag-iina, 2 pa utas sa sunog
MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa dalawang mag-iina at dalawang iba pa makaraang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Campo Islam sa Zamboanga City, kamakalawa ng madaling-araw.
Kabilang sa mga nasa wi ay sina Rosalyn Laja, Jejan, 2; Jumadir,1 at ang biyenang si Saddan Vasquez, 48.
Natagpuan ang mga bangkay sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
Naging palaisipan naman sa pulisya ang sinapit ni Nurwin Vasquez na natagpuang patay sa likurang bahagi ng compound na may tama ng bala ng baril.
Bago maganap ang sunog, narinig ng mga kapitbahay ang malakas na pagsabog mula sa bahay ng pamilya Vasquez na posibleng nagmula sa tangke ng liquified petroleum gas (LPG).
Samantala, may teorya naman ang pulisya na sinadya ni Nurwin ang sunog matapos na marinig ng mga kapitbahay na binantaan nito ang kaniyang misis na sisilaban ang kanilang bahay bunga ng pag-aaway ng mag-asawa.
- Latest
- Trending