^

Probinsiya

Misis nilason ng lover sa motel

- Danilo Garcia -

RIZAL, Philippines  — Nasawi ang isang 40-anyos na misis makaraang malason sa loob ng kuwarto ng motel kasama ang kanyang lover na sundalo, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tanay, Rizal.

Namatay habang isi­nusugod sa Tanay General Hospital si Rowena Rivera ng Sitio Balimbing, Ba­rangay Plaza Aldea sa bayang nabanggit.

Pansamantala namang pinipigil sa himpilan ng pulisya si T/Sgt. Joel Tor­no, 47, may asawa, mi­yem­bro ng Philippine Army na nakabase sa 2nd Infantry Division, Camp Capinpin at residente ng Chipeco Subd. Barangay Buboy sa bayan ng Nagcarlan, Laguna.

Lumilitaw sa police report, na nag check-in ang dalawa sa Don Pedro Hotel sa Sitio Bukal, Barangay Tandang Kutyo subalit makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang suspek at humingi ng tulong sa mga staff ng hotel.

Kaagad namang ru­ mes­­ponde ang mga ito at inabutan ang biktima na nakahiga sa kama at bu­mubula na ang bibig at ilong.

Inaalam pa ng pulisya ang uri ng kemikal na gi­namit sa biktima para mamatay.

vuukle comment

BARANGAY BUBOY

BARANGAY TANDANG KUTYO

CAMP CAPINPIN

CHIPECO SUBD

DON PEDRO HOTEL

INFANTRY DIVISION

JOEL TOR

PHILIPPINE ARMY

PLAZA ALDEA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with