CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napaslang ang isang lalaki habang malubha naman ang babae matapos tagain ng mister ng huli ang magkalaguyo na sinasabing na aktuhang magkapatong sa kama sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Mangkasay sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang napatay na si Julito Hernandez, 35, tubong South Villazar sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur, samantala nasa kritikal naman na si Esa Aganan, 43, na ngayon ay nasa Camarines Norte Provincial Hospital.
Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Winnie Aganan, 45.
Batay sa ulat, naaktuhan ni Winnie ang kanyang msisi at kalaguyo nito na kapwa walang saplot sa katawan at magkatabi sa kanilang kama dakong alas-11 ng gabi.
Sa tindi ng galit ay pinagtatataga ng suspek ang magkalaguyo kung saan nagawa pang makatalon mula sa bintana ang kalaguyo ni misis kahit na sugatan.
Subalit namatay din may isang metro lang ang layo sa bahay ng mag-asawa ay nasawi rin ilang metro ang layo sa bahay ng mag-asawa dahil sa sugat sa buong katawan.
Lumilitaw na minatyagan ng suspek ang kanyang misis matapos makaabot sa kanyang kaalaman na may milagrong ginagawa.