Niratrat sa cavite:Totoy dedo, 2 sugatan
CAVITE, Philippines — Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 12- anyos na totoy, habang sugatan naman ang dalawa pa nitong kasama makaraang pagbabarilin ang mga ito habang bumababa sa sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, Trece Martirez City ng lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Adrian Perez, 12 , habang sugatan naman sina Mary Joy Perez 35, at Janice Simo 33, dalaga. Hindi naman nakilala ang suspek na armado ng kalibre 9mm pistol na mabilis na nakatakas matapos ang ginawang pamamaril.
Ayon sa pulisya alas-6:00 ng hapon ng pumarada ang isang bagong Toyota Altis na kulay gray at wala pang plaka sa Capitol Food Plaza Provincial Capitol Compound sakay ang mga biktima. Habang pababa ang mga biktima patungo sa kanilang tindahan ay biglang dumating ang isang lalaki na armado ng maiksing baril at dalawang ulit silang pinaputukan at tinamaan ang mga biktima. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang mga biktima subalit idineklara ng dead-on- arrival si Adrian. Wala pang maibigay na detalye ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek at sa motibo nito.
- Latest
- Trending