CAVITE, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang court sheriff makaraang ambusin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng maiksing baril sa kahabaan ng Coastal Bay Subdivision, Brgy. San Rafael 4, Noveleta ng lalawigang ito, kamakalawa ng tanghali.
Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Hernan Rodelas, 44 , biyudo, court sheriff sa RTC ng Cavite City at nakatira sa San Isidro, Brgy. Ligtong 2, Rosario ng nasabing lalawigan.
Batay sa ulat, naganap ang insdente alas -12:10 ng tanghali habang ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo na Honda Wave Motorcycle (OO-7274) galing sa kanyang trabaho. Habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar ay lingid sa kanyang kaalaman may nag aabang na sa kanyang dadaanan. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek at kung ito ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.