MARAWI CITY, Philippines — Pinaniniwalaang hindi nagustuhan ng isang customer ang pinagawa nitong sasakyan sa auto shop kaya pinagbabaril ang dalawang mekaniko sa Barangay Pantar Cawayan sa bayan ng Marantao, Lanao del Sur, ayon sa pulisya. Nagpapagamot sa Amai Pakpak Hospital ang mga biktimang sina Oding Gaffor, 30 at Osop Dianal habang tugis naman ng pulisya ang suspek na hindi pa nakikilala. Lumilitaw na nagbigay na ng paunang bayad ang suspek sa dalawang mekaniko para ayusin ang kanyang sasakyan. Subalit nang bumalik ito sa auto shop ay hindi nagustuhan ang pinagawa kaya biglang niratrat ang dalawa. Phil. Star News Service