Trader dinukot sa Marawi

MARAWI CITY, Philippines — Isa na namang negosyante ang iniulat na dinukot ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Barangay Lilod-Madaya, Marawi City sa Lanao del Sur noong Martes. Kinilala ni P/Senior Supt. Cosanie De­rogongan, ang biktima na si Abdulcarim Magarang. Sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na patungong pa­lengke ang biktima lulan ng traysikel nang harangin ng mga armadong lalaki na lulan naman ng kotse na walang plaka. Nanlaban ang biktima subalit naisakay din siya sa kotse kung saan hanggang sa kasalukuyan ay walang ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ng negosyante. Phil. Star News Service

Show comments