Trader nilikida sa harap ng misis

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang isang negosyante makara­ang ratratin ng mga di-pa kilalang lalaki sa harap ng kanyang misis sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tangas police director ang napatay na si Vivencio Villapando, 54, ng Brgy. Kinalaglagan, sa bayang nabanggit. Ayon sa police report, naglalakad ang biktima kasama ang kan­yang misis sa kahabaan ng Barangay Road ng Brgy. Kinalaglagan nang biglang banggain ng motorsiklo. Tumi­lapon ang mag-asawa kung saan pinagba­baril naman si Vivencio ng maskaradong lalaki. Samantala, isinugod naman sa Mary Mediatrix Hospital ang misis ni Vivencio na si Zulueta dahil sa mga galos sa katawan nang mabangga ng motor­siklo. Sini­silip ng pulisya ang anggulong love angle.

Show comments