2-katao dedo sa pamamaril

QUEZON, Philippines – Dalawang oras lamang ang pagitan nang pagba­barilin hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki kamakalawa sa bayan ng Sariaya, Quezon. Naunang tinam­bangan at napatay si Catalino Mendoza, 47, ng Barangay Mang­galang. habang si Luisito Javid, 39, ay niratrat sa Sentrong Pamilihan sa Barangay Sampaloc 2. Ayon kina SPO1 Edgardo Garcia at PO3 Noriel Banaag, posibleng mga hired killer ang kumana sa dalawa dahil sa kapwa may pagka-propesyunal ang pagkilos.

Show comments