^

Probinsiya

Palawan mayor tiklo sa kasong rape

-

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang alkalde sa bayan ng Rizal, Palawan makaraang ares­tuhin ng pulisya sa kasong rape sa Cebu City noong Hulyo 2010.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gilbert Moises ng Cebu City Regional Trial Court Branch 18, nadakma si Rizal Mayor Nicolas Mon­taño Sr., 64, habang nasa conference sa Legend Hote­l bandang alas-10 ng umaga.

 “Hindi naman siya nag-resist nung arestuhin ng pinagsanib na elemento ng Puerto Princesa City PNP, Palawan PNP at Police Security Protection Group (PSPG) ng Cebu,” paha­yag ni P/Supt. Rolando Amurao sa phone interview.

 Dinala si Montaño sa Ospital ng Palawan para sa medical check-up bago dal­­hin sa Cebu City subalit habang nasa airport, big­lang tumaas ang blood pressure nito kaya isugod muli sa ospital.

Sa ulat ng Freeman News, si Montaño na nani­rahan sa Sitio Ibabao, Brgy. Mambaling, Cebu City, ay nahaharap sa kasong rape matapos ireklamo sa korte ng manikurista na nakilala lamang na alyas “Jane”.

Base sa record, noong Hulyo 8, 2010, nagtungo si Montaño sa isang salon sa Danao City Public Market para magpa-manicure kung saan nakilala niya si Jane sa pamamagitan din ng isang manikuristang si Dina.

Lumitaw na inireto ni Dina si Jane kay Mayor Mon­taño hanggang sa mag­kita ang dalawa sa motel sa may Osmeña Blvd., Cebu City, noong Hulyo 11, 2010 ng umaga.

Sinasabing sinundo ni Mayor Montaño si Jane sa na­sabing motel sakay ng pulang kotse bago dinala sa bahay na hindi pamilyar sa biktima kung saan doon na­ganap ang maitim na balak.

Napag-alaman din na binalaan pa ni Montaño ang manikurista na mama­tay kapag nagsumbong kanino man.

Pinaniwalaan naman ni Prosecutor Mario Edgardo Montenegro ang reklamo ng biktima at maisampa sa korte matapos dumaan kay Puerto Princesa City Prosecutor Nicolas Sellon kung saan walang piyansang inirekomenda.

vuukle comment

CEBU CITY

CEBU CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CITY

DANAO CITY PUBLIC MARKET

DINA

FREEMAN NEWS

HULYO

MONTA

NTILDE

PALAWAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with