MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang pulis makaraang barilin sa ulo ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa videoke bar sa Barangay Kuwatro, Lucena City, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Patuloy na isinasalba sa Mt. Carmel Hospital ang buhay ni P02 Richard Anoso Amar, Intelligence operative ng Quezon Provincial Police Office. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na namimili ng kakantahin si PO2 Amar kasama ang kanyang live-in partner sa loob ng R-Haus Videoke bar sa kahabaan ng CM Recto Street, nang lapitan at pagbabarilin.