QUEZON, Philippines — Isang 38-anyos na babaeng buntis ang iniulat na nagbigti dahil sa matinding problema sa pamilya sa Barangay Mansilay ng bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa. Bandang ala-una ng hapon nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay si Marilyn Madilar. Ayon kay PO2 Nestor Lantin, bago mag-suicide ang biktima ay nakaaway nito ang kanyang mga kamag-anak kung saan winasak pa ang dingding ng kanilang bahay at pinagpipilitang paalisin ang mga kasama. Kasunod nito, nagkulong sa kuwarto ang biktima hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay.