P16-milyong marijuana nakumpiska

CAMP BADO DANGWA, Benguet, Philippines  — Tinatayang aabot sa P16 milyong halaga ng marijuana ang na­samsam sa isinagawang operasyon ng pulisya sa dalawang sitio sa bayan ng Kibungan, Benguet kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Supt. Villamor Bu­manglag, Cordillera police director, umabot sa 57,000 fully grown at 43,500 seedlings ng marijuana ang nadiskubre sa Sitio Naptong, Badeo Proper at Sitio Am­lawa sa Barangay Badeo sa bayan ng Kibungan, Benguet. Pinangunahan ni P/Senior Inspector Ronald Viscarra ang pagsalakay sa malawak na plantasyon ng marijuana subalit wala namang nadakmang nagmamantine kung saan kaagad naman sinunog ang marijuana. 

Show comments