P16-milyong marijuana nakumpiska
CAMP BADO DANGWA, Benguet, Philippines — Tinatayang aabot sa P16 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng pulisya sa dalawang sitio sa bayan ng Kibungan, Benguet kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Supt. Villamor Bumanglag, Cordillera police director, umabot sa 57,000 fully grown at 43,500 seedlings ng marijuana ang nadiskubre sa Sitio Naptong, Badeo Proper at Sitio Amlawa sa Barangay Badeo sa bayan ng Kibungan, Benguet. Pinangunahan ni P/Senior Inspector Ronald Viscarra ang pagsalakay sa malawak na plantasyon ng marijuana subalit wala namang nadakmang nagmamantine kung saan kaagad naman sinunog ang marijuana.
- Latest
- Trending