BAGUIO CITY, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 5-anyos na lalaki matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet noong Sabado ng hapon. Pormal naman kakasuhan ang bus driver na si Eric Villar, 44, tubong Dinalupihan, Bataan. Ayon kay Benguet police director P/Senior Supt. Wilben Mayor, patungong lowlands ang Victory Liner Bus (CXB491) ni Villar nang biglang tumawid ang batang si Alladin Aqui. Naisugod pa sa Baguio General Hospital subalit namatay din habang ginagamot.