Pulis-Negros nasa heightened alert

MANILA, Philippines - Isinailalim na kahapon sa heightened alert status ang 31 himpilan ng pu­lisya sa Negros Occidental ka­ugnay sa posible pang pag­lulunsad ng pag-atake ng mga rebeldeng New Peo­ ple’s Army (NPA).

Ang direktiba ay ipina­labas ni Negros Occidental Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Ma­nuel Felix kasunod ng pag­dukot at pagpatay ng may 20 rebeldeng NPA sa detachment commander ng Philippine Army sa harapan ng anak nitong dalagita sa bayan ng Toboso noong Sabado.

Napag-alamang nag­pang­gap na mga pulis ang mga rebeldeng NPA mata­pos magsuot ng uniporme sa pag-atake sa detachment ng Philippine Army sa Brgy. Bug-ang sa nasabing bayan.

Kinilala ni Army’s 303rd Infantry Brigade Commander Col. Jonas Suma­gaysay ang biktima na si Staff Sergeant Efraim Ba­gonoc na ginamit pa ng NPA na human shield sa kanilang pagtakas saka pinatay sa harapan ng 14-anyos na anak nitong si Efrailyn na nasa state of shock sa insidente.

Ayon kay P/Chief Inspector Jefferson Descal­lar, hepe ng Negros Police Operations and Plans Branch, pinaalalahanan ni Felix ang mga station commander na masusing ban­tayan ang mga nasasaku­pang himpilan dahil ma­aring maulit ang pag-atake ng NPA rebs.

Samantala, ipinag-utos din ni Felix ang pagpa­palakas ng checkpoint operatios sa mga istrate­hikong lugar sa nabanggit na lalawigan upang mapi­gilan ang pag-atake ng mga re­belde.

Show comments