^

Probinsiya

LTO ningas-kugon vs kolorum van

-

CAVITE, Philippines  — Ningas-ku­gon ang operasyon ng mga tauhan ng Land Tansporta­tion Office (LTO) laban sa mga pampasaherong kolu­rum na van na may rutang iba’t ibang bayan sa lala­wigan ng Cavite patungong Lawton sa Maynila.

Kabilang sa mga illegal terminal ng kolorum van ay matatagpuan sa Bahayang Pag-asa sa bayan ng Imus, sa harapan ng SM Molino at Bacoor, tagiliran ng Flying V gasoline station sa Ba­rangay Molino 3, sa loob ng gate at harapan ng Spring­ville Camella malapit sa Da­anghari sa Barangay Molino 4 sa bayan ng Bacoor.

Ayon sa mapagkaka­ti­walaang source, nagtatag­lay ng 2-way radio frequency ang mga drayber ng van para alertuhan ang kapwa drayber kapag may ope­rasyon ang mga tauhan ng LTO laban sa mga pam­pasaherong kolorum na van.

Napag-alaman din sa source na protektado ng mga tiwaling pulis-Maynila at pulis-Cavite ang operas­yon ng pampasaherong kolorum van kung saan malaking halaga ang ibini­bigay ng grupo kada Linggo.

Sinasabing may mga nakadikit na Manila Police District (MPD) sticker sa windshield ng kolorum na van na ginagawang pa­nang­ga sa mga tauhan ng LTO na nagsasagawa ng ope­rasyon sa ka­ habaan ng Roxas Blvd. mula sa Cavite. 

vuukle comment

BACOOR

BAHAYANG PAG

BARANGAY MOLINO

CAVITE

FLYING V

LAND TANSPORTA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MOLINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with