Ektaryang palayan inatake ng peste
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Ekta-ektaryang palayan sa North Cotabato ang sinalakay ng peste kung saan aabot sa milyong halaga ng pananim ang nawasak. Ayon kay Mayor Joselito Pinol, sa 976-ektaryang palayan sa bayan ng M’lang ay inatake ng pesteng tamasok kung saan aabot sa 346 ektarya ang hindi na mapakikinabangan ng mga magsasaka. Samantala, sa bayan ng Tulunan, aabot sa 76 ektaryang pananim ang hindi na maani dahil sa pag-atake ng peste, ayon kay Dina Barriento, municipal agriculturist. Base sa ulat, aabot sa 18 barangay sa bayan ng M’lang ang dinale ng peste noong Agosto 2007 kung saan aabot sa 5 milyong halaga ng pananim ang nawasak. Kaugnay nito, nangako naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magpapalabas ng pondo bilang tulong sa mga apektadong magsasaka.
- Latest
- Trending