Rapist ng tanod arestado

BULACAN, Philippines  — Kalaboso ang isa sa tatlong lalaki mata­pos maaresto sa kasong panghahalay sa babaeng ba­ran­gay tanod sa Barangay San Jose Patag sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos City Regional Trial Court Branch 78, nadakma ni PO1 Adrian Nolasco ang suspek na si Anthony Ignacio, 29, sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria. Tugis naman ng pulisya ang dala­wang iba pang suspek kabilang na si Danilo Pascual. Base sa record, naganap ang krimen noong Agosto 2, 2009 kung saan dinala ang biktima sa bahay ni Pascual imbes na sa tahanan ng babae. Dito na halinhinang ginahasa ang biktimang lango sa alak mula sa dina­luhang kasayahan.

Show comments