^

Probinsiya

Bus hulog-bangin: 4 patay, 19 sugatan

- Nina Tony Sandoval at Michelle Zoleta -

QUEZON, Philippines  — Hindi pa man nakakabangon ang bansa sa dilema na idinulot ng sunud-sunod na road mishap na kinasasang­ku­tan ng mga bus, isa na na­mang trahedya ang na­ga­nap kung saan apat-katao ang nasawi habang 19-iba pa ang nasugatan maka­ra­ang mahulog ang pampa­sa­herong bus sa bangin sa New Diversion Road, Si­tio Amao, Baran­gay Sila­ngang Malicboy sa bayan ng Pagbilao, Que­zon, ka­hapon ng madaling-araw.

Kasalukuyan pang ina­a­l­am ng pulisya ang pagka­kakilanlan ng mga nasawi habang ginagamot naman sa Jane County Hospital at MMG Hospital sa Lucena City ang iba pang nasu­gatan.

Sa inisyal na imbes­ti­gas­yon ni PO2 Erickson Ha­chaso, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang mahulog sa may 30 metrong lalim na bangin ang CUL bus line (TWV 912) ni Oscar Yadawon, 36.

Ayon sa ulat, aabot sa 39 pasahero kabilang ang dray­ber at operator ng bus nang maganap ang sa­kuna.

Napag-alamang patu­ngong Cubao, Quezon City mula Tacloban City nang mawalan ng preno ang bus sa zigzag road at mag­tuluy-tuloy sa bangin.

Patuloy naman ang rescue operation ng pinag­sanib na operatiba ng pu­lisya, Provincial Disaster Co­ordination Council (PD­CC), DPWH-4th Engineering District para makilala ang mga biktima.

ENGINEERING DISTRICT

ERICKSON HA

JANE COUNTY HOSPITAL

LUCENA CITY

NEW DIVERSION ROAD

OSCAR YADAWON

PROVINCIAL DISASTER CO

QUEZON CITY

SHY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with