Sekyu dinedo ng agaw-armas
QUEZON, Philippines — Isang security guard na sinasabing inagawan ng baril ang iniulat na napaslang matapos barilin ng nag-iisang miyembro ng Agaw-Armas Gang kamakalawa ng gabi sa Woodlane Subdivision, phase 1 sa Barangay Balubal sa bayan ng Sariaya, Quezon. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay si Rodel Espanola, 27, sekyu ng Washia Security Agency at residente ng Barangay Polo sa bayan ng Mauban, Quezon. Ayon kay PO2 Alnor Tagara, bandang alas-8 ng gabi nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan natagpuan ang duguang biktima sa gilid ng guard house. Nawawala naman ang service firearm ng biktima na sinasabing tinangay ng gunman.
- Latest
- Trending