Mag-utol sex slave ng amain
August 26, 2010 | 12:00am
BULACAN, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng isang 42-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa reklamong panghahalay sa loob ng anim na buwan sa mag-utol na batang babae na anak ng kanyang live-in partner sa Barangay Niugan sa bayan ng Angat, Bulacan. Pormal na kakasuhan habang nakapiit si Gregorio Reyes 42, tubong San Ildefonso, Bulacan. Nadiskubre ang krimen matapos magsumbong ang mag-utol sa kanilang ina.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest