Mag-asawa, lola utas sa pamangkin
MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatalo sa nawawalang malaking halaga, pinagbabaril at napatay ang mag-asawa at isa pa ng pamangking lalaki ng una sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte kamakalawa.
Kabilang sa mga napaslang ay ang mag-asawang sina Atty. Samuel Go, Jennifer Singco Go, guro sa elementarya at ang ina ni Samuel na si Engracia Durano.
Sugatan naman si Divino Anciano, 19, panadero na tinamaan ng ligaw na bala.
Arestado naman ang suspek na si Anthony Dave Go, 20, pamangkin ni Atty. Go na nahaharap sa kasong 3 counts of homicide.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng Dan Steel Hardware Shop sa Barangay Poblacion na pag-aari ng pamilya Go.
Lumilitaw na inakusahan ni Atty. Go ang pamangkin ng pagnanakaw ng P70,000 sa shop na humantong sa mainitang pagtatalo.
Kasunod nito, binaril ni Anthony ang mag-asawa at ang kaniyang lola.
- Latest
- Trending