Alalay ng vice mayor itinumba
August 25, 2010 | 12:00am
CAVITE, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bodyguard ng vice mayor sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Toclong I-C, sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Antonio Reyes, 65, alalay ni Vice Mayor Mandy Ilano sa bayan ng Imus. Base sa police report, lumilitaw na papauwi na ang biktima lulan ng traysikel nang harangin at ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng kotse.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest