Estudyante todas sa bus

CAVITE, Philippines  – Nalasog ang katawan ng isang 17-anyos na lalaki matapos mahagip ng pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway sa Barangay Panapaan 6 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Rodolph John Mendoza, estudyante ng AICS at residente ng K-4-2, Tropical Village sa Brgy. General Trias habang naaresto naman ang drayber ng bus na si Purtacio Ellao, 34, ng Barangay Bagbag sa bayan ng Lian, Batangas.

Lumilitaw na biglang tumawid ang biktima matapos lumakas ang ulan kung saan nasagasaan naman ng San Agustin Bus Lines na may plakang TYU 199.

Show comments