Illegal quarrying pinigil ng pulisya

ZAMBALES, Philippines  — Pinigil ng pulisya ang nagaganap na illegal quarrying kung saan lima-katao ang dinak­ma sa Barangay Cawag sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Insp. Nel­son Dela Cruz, hepe ng Subic PNP, kabilang sa mga dinakip ay sina Ale­jandro Arsenio, 27, drayber ng truck (RFA 370), ng New Cabalan, Olongapo City; Alfredo Flores, 57, drayber ng trak (CEF 505); Isagani Tamundong Jr., 49, truck driver (CDV 675); Oscar Paule, 56, driver ng truck (CBL 780); at si An­gelito Baluyot, 28, dray­ber ng trak (CEV 984)na pa­wang nakatira sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Walang maipakitang kaukulang dokumento ang lima na sinasabing nagka­karga ng mga bato mula sa lote na pag-aari at pinama­mahalaan ni Emmanuel Magsaysay sa Barangay Del Pilar, Castillejos, Zam­bales. Ang operasyon ng pu­­lisya ay kaugnay ng panawagan ni Zambales Gov. Hermogenes Eb­ dane, Jr. na pigilan ang anu­mang uri ng illegal quarrying.

Show comments