Illegal quarrying pinigil ng pulisya
ZAMBALES, Philippines — Pinigil ng pulisya ang nagaganap na illegal quarrying kung saan lima-katao ang dinakma sa Barangay Cawag sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Insp. Nelson Dela Cruz, hepe ng Subic PNP, kabilang sa mga dinakip ay sina Alejandro Arsenio, 27, drayber ng truck (RFA 370), ng New Cabalan, Olongapo City; Alfredo Flores, 57, drayber ng trak (CEF 505); Isagani Tamundong Jr., 49, truck driver (CDV 675); Oscar Paule, 56, driver ng truck (CBL 780); at si Angelito Baluyot, 28, drayber ng trak (CEV 984)na pawang nakatira sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.
Walang maipakitang kaukulang dokumento ang lima na sinasabing nagkakarga ng mga bato mula sa lote na pag-aari at pinamamahalaan ni Emmanuel Magsaysay sa Barangay Del Pilar, Castillejos, Zambales. Ang operasyon ng pulisya ay kaugnay ng panawagan ni Zambales Gov. Hermogenes Eb dane, Jr. na pigilan ang anumang uri ng illegal quarrying.
- Latest
- Trending