Chief Quarantine itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang chief Quarantine officer ng Bu­reau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bisi­nidad ng Ba­rangay Da­di­angas West, General Santos City kama­kalawa. Kinilala ang napatay na si Dante Dimerin kung saan na­isugod pa sa St. Elizabeth Hospital sa General Santos City. Sa ulat na na­karating sa Camp Crame, tinamba­ngan ang biktima sa panu­lukan ng Champaca at Za­pote Streets dakong ala-una ng mada­ling-araw. Naba­tid na ipinaparada ng biktima ang kaniyang puting Mitsu­bishi Strada pickup (MCR 893) nang la­pitan at ratratin ang dala­wang lalaki na lulan ng motorsiklo. Tinangka na­mang su­mak­lolo ng gu­war­diya ng ahensya pero binaril din subalit hindi tina­maan.

Show comments