Hanjin kinastigo ni Ebdane

ZAMBALES, Philippines  — Binalaan ni Zambales Governor Her­mo­genes E. Ebdane Jr. ang mga opisyal ng Hanjin shipbuilding facility matapos had­langan ng mga Koreano ang ilang provincial official na makapasok sa shipyard kaugnay sa ocular visitation sa bayan ng Castillejos, Zambales.

Napag-alamang pinigil ng mga security personnel ng kum­panya ang mga sasak­yan ng staff at government officials na kasama ni Eb­dane sa main gate ng Hanjin complex.

Sa puntong ito ay pina­alalahanan ng gobernador ang mga opisyales ng Han­jin na pinangungunahan ng general manager for external trade na si Taek Kyun Yoo sa kanilang kalagayan sa bansa bilang dayuhan.

Kabilang sa mga opisyal na hinadlangan ng Hanjin security ay ang mga hepe ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), Dept. of Agrarian Reform (DAR), at ilang opisyal ng pulisya.

Nauna ng pinaun­lakan ni Ebdane ang imbi­tas­yon ng mga Koreano para sa daya­logo kaugnay sa mga proposal at isyu na kinakaharap ng shipbuilding facility sa Redondo Peninsula.

Lumilitaw din na humingi rin ng tulong ang Hanjin Heavy Industries Corporation-Philippines sa provincial government upang ma-proseso ang aplikasyon ng shipbuilding firm para sa land use conversion sa DAR at Department of Agriculture noong 2009.

Kailangan ng HHIC-Phil ang conversion permit upang maisagawa ang 1,300-unit housing project para sa mga kawani ng Hanjin sa Ba­rangay Mag­saysay.

Kabilang sa natalakay sa dayalogo ang pagpapagawa ng mga nasisirang kalsada patungong shipyard, ang dumadaming karinderya sa harapan ng Korean shipbuilding complex na sagabal sa daloy ng trapiko, gayun­din ang shuttle service ng mga kawani.

Show comments