Bumbay utas sa holdaper

ZAMBALES, Philippines — Binaril at napatay ang isang negos­yanteng Bumbay makaraang pumalag sa apat na holda­per sa bahagi ng Sitio Bagsit, Brgy. Liozon sa bayan ng Palauig, Zambales kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napaslang na si Gulzar Singh, 46, ng Sitio San Miguel, Brgy. Palanginan, Iba. Ayon kay P/ Senior Insp. Jaime M. Morete, lulan ng motorsiklo (IF-8189) ang biktimang nang harangin ng apat na armadong lalaki. Samantala, naaresto naman ang dalawa sa suspek na sina Joebert “Tata” Suarez, 35; at Raji “Jie” Ganayan, 28, kapwa na­ka­tira sa Brgy. Sta. Barbara sa bayang ng Iba habang tu­gis naman ng pulisya ang dalawang iba pa.

Show comments