BI officer kinasuhan
BAGUIO CITY, Philippines - Isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Cordillera ang nahaharap sa kasong falsification of records sa Civil Service Commission (CSC) para lamang makapasok sa ahensiya. Ang inireklamo ng pamemeke ng papeles ay si Jose Yu, collection officer ng BI-Baguio office na may 10 taon na sa ahensiya. Ang nagreklamo ay si dating BI-Baguio chief Antonio Prieto dahil sa pinalabas nitong pumasa si Yu sa sub-professional exam ng CSC noong Oct. 28, 1990 at may rating na 71.02 at kumuha daw ng exam sa San Fernando, La Union. Lumitaw sa certification ni Bienvenida Racugos, acting director ng CSC-La Union, na walang naganap na CSC exam noong Oct. 28, 1990 at ang passing rate noon ay 80 percent. Sinabi ni Prieto na nagsinungaling si Yu at nameke ng public documents. Nabigo namang makunan ng panig si Yu.
- Latest
- Trending