Konsehal, 5 pa sugatan sa aksidente

MANILA, Philippines - Anim katao kabilang ang isang municipal councilor ang nasugatan maka­raang sumal­pok sa paanan ng bundok sa tabi ng ma­tarik na highway ang sina­sakyan ng mga itong Elf truck sa Bauko, Mt. Province nitong Huwebes.

Kinilala ni Sr. Supt. Leon Talleo, Spokesman ng Police Regional Office-Cordillera ang mga biktima na sina Dominic Abnasan, 9 anyos; Jacob Cabradilla, 1- anyos; Feliciano Ipawan, 45-anyos, PO3 Joan Alipio, Jimmy Cab­radilla, 32-an­yos at Bernard Cabra­dilla, 44-anyos, Municipal Councilor sa bayan ng Adams, Ilocos Norte.

Ang mga biktima ay ka­sa­lukuyang nilalapatan ng lunas sa Luis Hora Regional Hospital.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon habang pababa sa matarik na highway ang isang Elf truck sa Sitio Ampengke, Brgy. Le­seb, Bauko na sinasakyan ng may 15 katao kabilang ang mga biktima ng mag­luko ang preno nito at su­malpok ito sa paanan ng bundok sa tabi ng highway hanggang bumaligtad ang truck na pag-aari ng konsehal.

Patungo sana ang mga ito sa isang burol ng ka­mag-anak ng mangyari ang ak­sidente.

Show comments